paraiso
ParaisoNagbubulagbulagan
Nagbibingibingihan
Nagkukunwari sa lahat nang panahon
Nagpapangap kahit pusoy’s wala roon
Isang lugar
Isang pagkakataon
Naging sanhi
Ng isng pagkakamali
Mga taong walang mukha
Mga tinig na walang binibigkas
Mga titig na walang paroroonan
Mga yapak na walang patutunguhan
Isang batang musmos kung iisipin
Nilunod sa pagasa ng kinabukasan
Pinatay nang pagsisising walang kinahantungan
Dinurog ng mga tinig na puno ng kasalanan
Isang mundong paraiso kung kanyang ituring
Nananatiling buhay sa kanyang panaginip
Puno ng pagasa, walang pagkukunwari
Pagasang bumubuhay sa batang musmos
Isang batang gising sa katotohanan
Na siya’y isinilang sa isang bulag na lipunan
Manhid sa lahat nang pahirap at pasakit
Bingi sa lahat ng iyak at daing
Patuloy na lalaban
Ang batang napagkaitan
Nang buhay at kaligayahan
Sa mundong bulag sa katotohanan
May bukay kayang haharapin
May pagasa kayang kakamitin
Ang batang musmos kung ituring
Batang nabubuhay sa mga puso natin
- Claire de leon
- May 14, 2005



0 Comments:
Post a Comment
<< Home